Nurse ako. 15 years.


Malayo sa pamilya. Malayo sa mahal sa buhay. Pero bawat buwan, nagpapadala ako — dahil yun ang alam kong paraan para magmahal mula sa malayo.


Tapos isang araw, nagkatanong ako sa sarili ko:


๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ?


Para sa retirement na walang direksyon?

Para sa ipon na nauubos lang?

O para sa isang bagay na mananatili — kahit wala na ako?


Noong 2018, kasama ang aking asawa, tumigil na kaming mangarap at nagsimula na kaming kumilos.


Itinanim namin ang unang binhi — literal at figurative. Isinilang ang ๐‘ณ๐’Š๐’๐’„๐’‰๐’๐’„๐’ ๐‘ฏ๐’‚๐’—๐’†๐’ ๐‘ญ๐’‚๐’“๐’Ž. Hindi lang para kumita — kundi para iangat ang mga magsasaka, lumikha ng kabuhayan, at ibalik ang dignidad ng pagsasaka.


Noong 2019, umuwi na ako. For good.


Pinagpalit ko ang scrubs ko sa rubber boots. Ang sterile na hospital rooms sa bukid at putik. At sabi ko sa sarili ko — ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข. ๐˜๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ช.


Tapos dumating ang 2020.


Isa sa maituturing naming pinakamadilim na parte ng buhay namin. 

Araw-araw, nagising kami sa pagkamatay ng aming mga hayop — lima, sampu, dalawampu. Yung pinagsikapan namin, namamatay sa harap namin. Umiyak kami. Nanalangin. Halos sumuko.


Pero hindi kami sumuko.


Noong 2021, na-accredit kami ng Agricultural Training Institute (ATI) bilang Learning Site for Agriculture. Noong 2022, naging opisyal na Training Center kami sa ilalim ng TESDA. Natanggap din namin ang suporta ng PhilRice, PhilMech at iba pang ahensya.


Dahan-dahan, ang Linchoco farm ay hindi na basta farm — naging lugar na ito ng pag-asa at pagbabago.


Mula ๐‘ณ๐’Š๐’๐’„๐’‰๐’๐’„๐’ ๐‘ฏ๐’‚๐’—๐’†๐’ ๐‘ญ๐’‚๐’“๐’Ž, naging  ๐‹๐ข๐ง๐œ๐ก๐จ๐œ๐จ ๐…๐š๐ซ๐ฆ ๐€๐ ๐ซ๐ข-๐ญ๐จ๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ, ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐š๐ง๐ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ


Tapos noong 2023, dumating si Typhoon Karding. Signal #5.


Isang gabi lang. Yung maraming taon ng pagbangon — halos nawala lahat. back to zero ulet.


Muli kaming tumayo. Stronger this time.


Dahil hindi na kami basta mga magsasaka. Naging guro na kami. Mentors. Advocates. At yun — hindi kayang burahin ng kahit anong bagyo.


Doon nagsimula ang ๐๐š๐ฆ๐š๐ง๐š๐€๐ ๐ซ๐ข. 
Dahil narealize namin, ang Farm, kailangan ng SYSTEM to be sustainable.

Ngayon, bukas ang pinto ng ๐‘ณ๐’Š๐’๐’„๐’‰๐’๐’„๐’ ๐‘ญ๐’‚๐’“๐’Ž ๐‘จ๐’ˆ๐’“๐’Š-๐’•๐’๐’–๐’“๐’Š๐’”๐’Ž, ๐‘จ๐’”๐’”๐’†๐’”๐’”๐’Ž๐’†๐’๐’• ๐’‚๐’๐’… ๐‘ป๐’“๐’‚๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ช๐’†๐’๐’•๐’†๐’“ para sa mga estudyante, OFW, at mga propesyonal na gustong matuto ng tunay na farm systems — at mag-build ng something lasting.


Here at ๐๐š๐ฆ๐š๐ง๐š๐€๐ ๐ซ๐ข, we help you create your own FARM SYSTEMS. 
Farm na pwedeng tumakbo kahit wala ka. 
Farm na pwede mong IPAMANA.


Kung ikaw ay isang propesyonal, may-ari ng farm, retiree, o returning OFW na nagtatanong kung saan ilalagay ang iyong oras, ipon, o susunod na kabanata — para sa'yo ito.


๐‘ญ๐’“๐’๐’Ž ๐’๐’–๐’“๐’”๐’† ๐’•๐’ ๐’‡๐’‚๐’“๐’Ž๐’†๐’“. ๐‘ญ๐’“๐’๐’Ž ๐’‰๐’†๐’‚๐’“๐’•๐’ƒ๐’“๐’†๐’‚๐’Œ ๐’•๐’ ๐’‰๐’†๐’‚๐’๐’Š๐’๐’ˆ. ๐‘ญ๐’“๐’๐’Ž ๐’”๐’–๐’“๐’—๐’Š๐’—๐’‚๐’ ๐’•๐’ ๐’”๐’Š๐’ˆ๐’๐’Š๐’‡๐’Š๐’„๐’‚๐’๐’„๐’†.